Tag: pinoy

Habit Thoughts

Sa panahon ngayon na wala akong ibang magawa kundi tumambay lang sa bahay ay mas nakilala ko ang aking sarili. Noon pa lang naman ay tanggap ko na na hindi ako perpektong tao, at hindi ako… paano ko ba sasabihin… Hindi naman sa hindi ako mabait pero alam ko sa sarili ko na hindi ako isandaang porsyento na mabuting tao. Pero nagulat pa rin ako na isa lang pala to sa marami pang hindi kagandahang pag-uugali na meron ako.

Dahil sa Quarantine na `to muling nagbalik ang hilig ko sa pagbabasa. Medyo nasa reading slump ako nitong mga nakaraang buwan dahil sa mga outside circumstances at nagpa-apekto naman ako. Ayun na nga. Dahil hindi ako makapag-cellphone dahil wala akong data at wala rin namang purpose ang cellphone kung wala ka rin lang access sa internet, dinala ko itong Kindle ko at nagbasa na lang ako habang nakapila sa grocery. At dito ko na nga inumpisahan ang pagbabasa ng “The 7 Habits of Highly Effective People”

Kindle wrapped in a plastic zip bag para iwas germs.

Nabanggit ko di ba na nagpa-apekto ako sa mga sitwasyon na pumapalibot sa akin kaya hindi ako makapagbasa at sa pagbabasa ko ng librong to, napag-alaman ko na itong ganitong ugali pala ay dahil isa akong Reactive person. Kumbaga, yung emosyon ko ang nagkokontrol sa akin. Imbes na ako yung kumokontrol sa emosyon ko. Anyway, hindi rin naman ako marunong talaga mag-explain dahil medyo nawala nga yung —-

(Started writing at around 12 in the afternoon. Me parents called me for lunch so I did that. Then I washed the dishes, took a bath, then watched TV while scrolling through Twitter and Instagram. And now it’s 3 in the afternoon and I already lost my momentum and train of thought.)

So. Distracted na naman ako, no. Tan, ano, Tan? Kaya mo ba panindigan? Yung Thirty Day Test ng pagiging Proactive?

So. Ayun na nga. Na-realized ko na sobrang Reactive person ako. I don’t think it’s that bad kasi ganun talaga ako (AGAIN! A sign that I am Reactive! UGH!) pero kung gusto ko talaga ng pagbabago di ba, siguro kailangan ko maging Proactive. And so far, after reading the first few chapters parang mas lalo kong gusto maging proactive. Because I really need to get my shit together and I am kind of tired of myself 😅

We’ll see. Let’s see. I will try to keep my promises sa aking mga small commitments in life. Starting with this blog. So. This is Day 1 of 30.

Fingers crossed. I will set a reminder on my phone para di ko makalimutan. So, self, please bare with me. Let’s do this. Let’s change for the better.

If you start to think the problem is “out there,” stop yourself.

The 7 Habits of Highly Effective People, Stephen Covey (1989)

Listening to: Lo-Fi Beats on Spotify

Sigurado Ka Na Ba?

Muntik na akong umiyak.
Kanina habang tinatahak ng sinasakyan kong jeep ang kahabaan ng Ortigas Extension, palalim naman nang palalim ang tinatakbo ng utak ko. Sa isang oras at kalahating biyahe ko sa trabaho, ilang beses ko ng pinatay ang sarili ko sa aking utak. Ewan ko ba na kung bakit sa dinamiraming pwedeng isipin, iyong ideya na yon pa ang tinambayan ng konsensiya ko.
Siguro pagod lang ako.
Siguro kulang lang ako sa tulog.
Siguro masyado lang mainit ng mga oras na yon.
Siguro. Siguro. Siguro.
Siguro kung babangga itong sinasakyan ko
Siguro kung may biglang tumawid at nataranta ang driver
Siguro kung tatalon ako dito sa footbridge
Siguro kung bigla akong tatawid sa malawak na kalye
Siguro. Siguro. Siguro.
Siguro may iiyak
Siguro may mababago
Siguro parang wala lang naman no?
Siguro naman tatakbo pa rin ang mundo.

Mukhang wala naman atang kasiguruhan dito sa mundo. Ang alam ko lang, inaantok na ako at gusto kong humilata at tumunganga habang pinagmamasdan ang puting liwanag na unti-unting bumabalot sa akin.


“ANAK!”

Una. Mula Sa Kuwentong Hindi Ko Isusulat.

  
At kahit gusto niya nang umiyak, hindi maaari. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili. Sa palagay niya ay magsasayang lang siya ng oras kung iiyak pa siya dahil wala namang taglay na mahika ang kanyang mga luha. 

Hindi nito mapapawi ang sakit. Hindi nito maaayos ang nasira. Hindi nito maibabalik at mababago ang kahapon. 

Mayroong mas importanteng bagay ang kailangan niyang harapin.

Kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. Binuksan niya ang pinto na may ngiti sa kanyang mga labi na animo’y walang nangyari.

It’s All About Pag-IBIG! (Hugot Story) Ch3

Its-All-About-Pagibig

 

Chapter 3

“Ano’ng nangyayari? Bakit mo binato ang cell phone mo?”

Humahapong pumasok ng kuwarto si Kuya Ding. Narinig niya siguro iyong pagbato ko ng telepono ko.

“Wala `yon, Kuya. Iniiwas ko lang ang sarili kong gumawa ng mali.”

Napakamot siya ng ulo at manghang napailing na lang. “B-bakit ka naman gagawa ng mali? Tatawag ka na ba ng papatay kay Ralph?”

Napaismid ako at umiling. “Hindi, Kuya. Natatakot kasi ako, eh. Kuya, pagkagising ko kanina gustong-gusto ko siyang tawagan. Gustong-gusto ko siyang i-text. Muntik ko na ngang sagutin iyong tawag niya at makipagbalikan sa kanya, eh. Kaya `ayan, binato ko na lang iyong telepono ko para pigilan iyong kagagahan ko.”

Pinulot ni Kuya iyong cell phone ko na nagkawatak-watak parang puso kong wasak.

“Sige, ayusin natin `to.”

“Ano’ng aayusin natin, Kuya? Iyang cell phone ko? O itong puso ko?”

“Pareho. Teka, naligo ka na ba?”

Nagulat ako sa tanong ni Kuya. Dalawang araw na nga pala akong hindi naliligo. Kadiri naman ako. Inamoy ko ang sarili ko. Hmm. Medyo may tama na, ah.. Hay, Jasmine Genio, ano’ng nangyayari sa `yo? Paano ka makikipagbalikan niyan kung amoy basang balikbayan box ka?

Napailing ako sa iniisip ko.

Sino’ng nagsabing makikipagbalikan ako sa kanya?!

“Ano? Gusto mong makipagbalikan kay Ralph, no?”

Paano nabasa ni Kuya ang nasa isip ko?

Panik-panaog ako sa harap ni Kuya at sinasabunutan ang sarili.

“Kuya, hindi puwede!! One minus three, this cannot be!”

“Mabuti pa, maligo ka muna para mahimasmasan ka at mabawasan ang natural scent mo.”

“Buwisit ka, Kuya..”

Kumuha ako ng towel at hinampas ko sa kanya. Padabog akong pumunta ng banyo at naligo.

  (more…)

It’s All About Pag-IBIG (Hugot story) Ch1

Its-All-About-Pagibig

(Hindi ko alam kung anong pinanggalingan ng kwentong ito. Malamang may nabasa ako at nakainom ako nang sinulat ko ito. Pasensiya naaa. Nahihiya ako pero parang sayang kung buburahin ko.  Binasa ko ulit ito. Nabadtrip ako sa pagkakasulat ko. At ang ginawa ko pang file name nito ay, “YARI”! KAINITH!)

CHAPTER 1

“Hey, babe, it’s not what you think!”

Lumingon ako at nakita ko siyang sumusunod sa akin habang sinusuot ang sinturon niya. Hindi na niya nagawang isara ang polo niya siguro dahil sa pagmamadaling mahabol ako. Kitang-kita ko rin na nakadungaw iyong sekretarya niyang mahilig sa pulang lipstick na may buhok ni Marimar habang hawak-hawak ang kumot na namumukod tanging saplot sa hubad niyang katawan. Kitang-kita ko ang mapang-inis na ngiti sa maarte niyang mga labi at umiling-iling na bumalik sa loob ng Room 1609.

Oo, nakita ko lahat iyon sa isang lingunan lang.

“Hey, Jas, it’s not what you think!” Hinawakan ako ng demonyong guwapong manlolokong ito sa braso at pinaharap ako sa kanya. “C’mon, babe, will you please let me expla—”

“EXPLAIN mo mukha mo!” pagtatapos ko sa sinabi niya sabay sampal sa mukha niyang dati ay gustong-gusto kong pugpugin ng halik pero ngayon gusto ko na lang bugbugin. Actually, hindi sampal iyon, eh, kasi nakakuyom ang kamao ko nang hinampas ko siya.

“EXPLAIN?! At nakuha mo pa talagang humiling sa akin na pag-explain-in kita!? Are you fucking serious!?!”

“Yes, Jas, I am serious and yes, I am asking you to give me time to explain. Babe, mali ang nasa isip mo!”

“It’s a rhetorical question! AND STOP CALLING ME BABE!”

Buwisit! (more…)

Tadhana

PROLOGUE

Ang pag-ibig parang bunutan lang iyan. Walang kasiguruhan na makukuha mo ang gusto mo, pero tiyak na mapupunta sa iyo ang nakatakdang maging iyo. Iyon na siguro ang tinatawag nating tadhana.

Pero mag-ingat ka kasi baka mapagkamalan mong tadhana ang coincidence. O kaya naman ay baka mapalampas mo ang tadhana dahil inakala mong isa lang itong coincidence. Pero ilan nga bang coincidence ang kailangan para ma-consider itong tadhana? Pareho lang ba iyon o magkaiba?

Ewan ko. Hindi ko alam.

Basta buksan mo lang ang mga mata mo at huwag kang magpupuyat. Baka kasi nasa harap mo na iyong nakatadhana para sa iyo pero hindi mo siya nakita kasi nakatulog ka.

To Love EVIL

TO-LOVE-EVIL

STEP ONE:

“GUMISING SA KATOTOHANANG KAHIT ANONG IYAK AT PAGMUMUKMOK ANG GAWIN MO HINDING-HINDI NA SIYA BABALIK SA IYO.”

ONCE UPON A TIME sa Barangay Maligaya. Natigilan si Aling Nena sa pagbibigay ng sukli ni Ding. Napahinto si Manong Sorbetero sa paglalako ng dirty ice cream. At hindi natuloy ni Buloy ang pagpapakamatay. Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa ng dahil sa ingay na maririnig sa ikatlong bahay sa kanto ng Kapayapaan Street.

Dinig na dinig ang pagkabasag ng salamin. Pagkatumba ng upuan. Nakakabinging sigaw. Hagulhol. Malakas na bagsak ng pinto. Patuloy na pagsigaw. At patuloy na paghagulhol. Muling paglagabag ng pinto. Muling paghagulhol. Padabog na lakad ng mga paa. Malakas na bagsak uli ng pinto.

Mayamaya pa ay nagkaroon nang biglaang katahimikan.

“Psst. Nestor. Namatay na `ata `yong anak mo. Akyatin mo nga `yon nang maipalibing na ang kagagahan niya.”

“Mahal, hindi magpapakamatay iyon. Takot lang niyang masaktan. Ni ayaw nga mapuwing ng anak mo, eh. Hayaan na muna natin. Perstaym lang masugatan ang puso, eh. Bigyan natin siya ng pagkakataon makapaghilom para sa susunod na magmahal siya ay—”

“HOY! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo riyan. Kakabasa mo `yan ng mga payo-payo sa tabloid, eh. Hala, bitawan mo na `yang dyaryo at puntahan mo na ang anak mo at baka sakaling maabutan mo pang humihinga.”

(more…)

To Love EVIL

TO-LOVE-EVIL(Sinulat ko ito noong October 31, 2014 sa Wattpad ko. Hihi!)

PROLOGUE

SABI NILA ANG PAG-IBIG hindi raw hinahanap at hindi hinihingi, kusa raw itong dumadating. Sa tamang oras. Sa tamang panahon. At sa dalawang taong nakatadhana na magkasama.

Noong bata pa ako, naniniwala ako sa happy ending. Sa true love, sa happiness at sa forever. Naniniwala rin ako na ang bawat tao sa mundo ay may kapareha – mayroong Soulmate.

At kapag nakita mo na ang taong destined para sa iyo, magkakaroon ka na rin ng happy ending. At forever kang magiging happy kasama ang one true love mo.

Pero noon iyon. Bata pa ako NOON at ang tanging source ko lang tungkol sa konsepto ng love ay ang mga fairy tale. Hindi ko pala alam ang mga sinasabi ko.

(more…)