Ako

1404027920

Hindi lahat ng tao, katulad mo.
Kasi magkakaiba tayo.
We are ALL unique nga raw, `di ba?”

Maraming pangalan. Pero iisang lang ang pagkatao. Sabi nila sa unang tingin daw ay para akong mangangain nang buhay. Pero noong nakilala na nila ako at nakasama na sa tambayan napagtanto nilang nangungurot at nangangagat lang naman daw pala ako. Harmless ba.
Maingay. Palatawa. Maligalig. Iyan ako sa mga malalapit na kaibigan at pamilya.
Tahimik. Mahiyain. Ngumingiti lang kapag kinakausap. Iyan ako madalas. Lalo na kapag alam kong bago lang akong salta.
Minsan iniisip ko kung may MPD ba ako o Bipolar ba ako o ano, kasi magkasalungat ang pinapakita ko sa mga tao. Ewan. Labo.

Mahilig akong magbasa. Mula nobela hanggang ingredients ng shampoo. Kahit mali-mali ang pagbigkas ko, binabasa ko pa rin nang malakas habang naliligo. Wala lang. Trip ko lang.
Mahilig akong kumain. Street food. Chicha. Gulay. Dessert. Karne. Kahit ano pa iyan. Kakainin ko iyan. Basta pagkain. Basta hindi nakalalason at nakamamatay.
Mahilig akong kumuha ng litrato. Mula nang napagaralan namin ito noong kolehiyo pinangarap ko nang maging isang professional photographer. Sa lahat ng pangarap ko, ito ang pinakagusto kong mangyari.

7504737

(originally posted on my weebly page)